top of page

Circle

Ang ikalawang destinasyon namin ay ang Quezon City Memorial Circle o maskilala bilang Circle. Nakarating kami ng 1:40 n.h. Dito na kami nananghalian. Saktong sakto sa aming panlasa ang mga hinandang pagkain at sakto sa aming pera. Dito mo makikita ang kagandahan ng Pilipinas at ang kultura ng bawat Pilipino. Dito namamasyal at gumugunita ng masasayang araw ang karamihan sa mga taga-QC at maging mga kalapit na lugar. Sila ay patunay na hindi natin kailangan ng maraming pera para maging masaya basta’t kasama natin ang pamilya. Kaya’t sulit ang aming paglalakbay na hindi namin naramdaman ang aming pagod sa magagandang tanawin sa Circle. Masaya kami at natuto sa aming mga nakita. Matapos mananghalian ay naghanda na kami para maglakad patungo sa susunod na destinasyon - ang University of the Philippines o UP. 2:30 n.h. nung nagsimula kaming maglakad. Sa paglalakad naming, lalo pa kaming namangha sa tanawin at ganda ng Pilipinas. Lalo pa kaming ginanahan maglakad.


© 2015 by Tropa De Lakwatsa. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page