top of page

Sa panahon ngayon, marami na ang mga lugar na maaaring puntahan ng mga tao. Maraming lugar kung saan ang makakakita ng mga naggagandahang ilaw, gusali, at iba pang mga infrastraktura tulad ng mga mall, amusement park, at iba pang kadalasan na nating pinupuntahan. Hindi ba nakakabagot na doon na lang tayo parati pumupunta sa mga lugar na ating kinasanayan? Hindi ninyo ba naisipan minsan na pumunta sa ibang lugar kung saan ay maraming ang mga kakaiba sa ating mata. Kaming magkakaibigan - Althur, Cedrick,Nimfa, Estephen - ay pumunta sa iba't ibang lugar upang makadiskubre ng iba't ibang mga bagay na di akalaing makikita sa paligid. Kami ay naglakad mula Wildlife hanggang SM Fairview.

Ang aming biyahe sa Quezon ay nag iwan samin ng mga leksyon sa buhay at ng pang unawa sa paglalakad sa isang mahabang lugar tulad ng mga mag-aaral sa mga probinsya na naglalakad ng pagka layo layo para lang makapag aral. Kung sila ay natitiis nila ay ganon kalayo at katarik na paglalakad ay dapat tayo din. Di tayo dapat magreklamo sa paglalakad kahit gaano pa ito kahaba. Sa pag lalakad tayo ay pwedeng makakatipid. Kung tutuusin ang aming pagbyahe ay napakasaya, siguro ay isa ito sa mga pinakamasayang paglalakad namin sa aming buhay lalo na kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan. Iba ang pakiramdam kapag may kasama ka habang naglalakad. Hindi mo mararamdaman ang pagod magugulat na lamang sa haba ng nilakaran ninyo pag nagbaliktanaw na. At sa paglalakad mas marami kang makikitang bagay at mas marami ang iyong tanawing makikita kaysa sa pagsakay sa isang pampublikong sasakyan o kung meron man kayong sasakyan.

© 2015 by Tropa De Lakwatsa. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page