Habang kami ay nasa pearl drive kami ay bumili muna ng aming maiinom at sinulit ang aming pag papahinga para pag nag simula muli kaming mag lakad tuloy tuloy lamang kami para hindi kami abutin ng abi. Matapos ang higit labing limang minuto ay umalis na kami ngpearl drive at saktong alasais ay patuloy na ulit kami sa pag lalakad. Habang kami ay nag lalakad nuong una ay hindi ko pa nararamdaman ang sakit sa aking mga paa dahil habang kami ay nag papahinga ay ipinapahinga ko ang mga ito ngunit nang kami ay nasa regalado na ay nararamdaman ko na ay aking paa na halos matatanggal na at halos gusto ko nang sumakay ng jeep at mauna na sakanila pero naisip ko din na kakaunti na lamang ay nasa SM na kami. Nang natatanaw na naming ang SM ay labis labis ang kasiyahan namin dahil sa mga panahong yun ay ang nasa isip naming ay ang makauwi na kami.
![](https://static.wixstatic.com/media/f10420_984f6a05e95d448297010d9b1005898f.jpg/v1/fill/w_980,h_735,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/f10420_984f6a05e95d448297010d9b1005898f.jpg)
![](https://static.wixstatic.com/media/f10420_d22f4a889aba46418da159ba6cec5fe0.jpg/v1/fill/w_980,h_735,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/f10420_d22f4a889aba46418da159ba6cec5fe0.jpg)