Ang UP ay isa sa mga pinakasikat na unibersidad sa Pilipinas. Isa ito sa mga lugar na napuntahan naming magkakaibigan. Pagkatapos pumunta ng Circle dumiretso na kami rito. Maraming magagandang bagay dito, isa na rito ang kanilang oblation statue. Ayon sa aking pananaliksik ang ibig sabihin ng oblation ay walang pag-iimbot na pag-aalay o sa ingles ay “selfless offering" at ang pintor nito ay si Guillermo E. Tolentino. Isa ito sa mga pinupuntahan ng mga kabataan o pilipino sa tuwing sila ay dumadaan o pumupunta sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang Unibersidad ng Pilinas ay natatag noong February 12, 1949. Matutuwa ka rin sa mga nagawa ng mga estudyante dito, marami silang proyekto na magaganda at nakakamangha. Natuwa ako sobra nang makita ko ang isa sa mga proyekto nila na tren, ang kaso nga lang ay hindi nila natapos dahil nagkulang sa pondo ang pamahalaan. Bilang Pilipino maari mong ipagmalaki ang mga estudyante doon. Kaya kadalasan sa mga Pilipinong kabataan ngayon ay gustong mag-aral sa mga matataas na unibersidad katulad na lang Unibersidad ng Pilipinas. Maganda sana ang kanilang proyekto ang kaso lang ay hindi nila natapos, mas makatitipid ang mga estudyante na nag-aaral sa Unibersidad na ito ang kaso nga lang ay malulugi ang mga jeepney drivers na namamasada sa U.P. Mga 3:00 na ng hapon ng makarating kami sa Unibersidad ng Pilipinas, syempre nagpahinga ng saglit at kumuha ng konting lakas para sa susunod naming istasyon.