Ang una naming destinasyon ay ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife o maskilala bilang "Wildlife". Dumating kami roon sa eksaktong 12:30. Sa una, akala ko normal na zoo o rescue center lang ng mga hayop ang pinuntahan namin. Ngunit pag pasok namin sa wildlife ay nag iba ang aking pananaw. Lumibot kami at nakakita ng iba’t ibang mga hayop tulad ng agila, buwaya, pagong, tigre, unggoy at iba pa. Ang ibang hayop ay nakakaawa dahil sila ay may karamdaman na at malubha ang kalagayan. Namangha ako sa mga hayop doon dahil napakaganda nilang pagmasdan kahit na delikado sila. Sa aming paglilibot, napagtanto ko na ang ibang tao ay napakalupit ang turing sa mga hayop. Nagawa nilang saktan ang mga ito para lamang ibenta at magkapera. Kasabay ng aming paglilibot ay nakaramdam na rin kami ng gutom dahil tanghalian na nun at marami pang mga tindahan ang nag aalok ng masarap na pagkain kaya nagutom na kami. Umalis kami sa Wildlife ng 1:20 para pumunta sa susunod na destinasyon kung saan doon narin kami nananghalian - ang Quezon City Memorial Circle.
![](https://static.wixstatic.com/media/f10420_a32adf798dab4a6cbeb47b774b4d38ce.jpg/v1/fill/w_980,h_735,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/f10420_a32adf798dab4a6cbeb47b774b4d38ce.jpg)
![](https://static.wixstatic.com/media/f10420_62d3a768796b4e3ab7218c2c15af44b1.jpg/v1/fill/w_980,h_735,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/f10420_62d3a768796b4e3ab7218c2c15af44b1.jpg)